Natunton ng #WantedsaRadyo ang trending na foreigner at anak niyang babae na naging palaboy matapos silang iwanan ng Pinay niyang asawa. Nagkaroon daw ng sakit sa pag-iisip ang asawang Pinay ni Jesse Sean Carberry at nilayuan sila nito kaya naiwan sa kanya ang anak nilang babae. Kasunod nito, na-trauma raw ang kanyang anak sa mga tsismis at pangha-harass ng kanilang mga kapitbahay kaya nagpakalayo sila hanggang maging palaboy sa Maynila.

0 Comments